sabi ng marami, mas masarap magmura sa tagalog. palibhasa yun ang kinasanayan at kinalakhan. andun ang koneksiyon ng wika sa sarili. kaya nga kahit gano pa kalutong ang pagsabi mo ng fuck o ng shit, wala pa ring katulad ang isang malutong na putangina. wag mag alala sapagkat ang entry-ng ito ay hindi ko pupunuin ng mura. may ipinupunto ako. marami na kasi akong gustong punahin. naisip ko mas masarap pumuna sa tagalog. lalo na yung mga bagay na nakakapeste. nakakalintik.
(1) una, ang mga taong labo. hindi mga taong malalabo ang mata. pero pwede rin. subalit higit pa ron, ang mga taong labo ay yung mga MALALABO. hindi mo alam kung pano mag-isip. hindi mo alam kung pano tumatakbo ang utak. sa isang sandali, mabait. sa kasunod, akala mo nireregla. di mo makausap ng matino at kung ano ano ang pinagpuputak ng bibig. kulang nalang e irecord niya ang sinasabi niya at paulit ulit na patugtugin para sa buong araw na pakikinig ng ibang tao. lintek. ang mas masama pa non kung hindi mo rin maintindihan kung ano ang ipinagpupuputak. nagagalit sa napakalabong at napakagulong kadahilanan. ganito, ganyan, bakit ganito, bakit ganyan, ano ba naman to blah blah blah blah blah. ah, hindi lang sila mga taong labo. mga taong BLAH din. tapos parang inaasahan nila na ang lahat ng tao ay kapareho niya dapat mag-isip. kung hindi, lintik nalang ang walang ganti. dapat ganito, dapat ganyan. puta, di naman pwede mangyari yun. kung mangyari man at bigla kang nagkamali, magugulo na naman. panibagong dapat ganito, ganyan na naman. hayayay. at eto pa, malabo na nga ang pinagsasasabi, paulit ulit pa. akala mo ba'y tanga ang kausap na kailangan pa paulit-ulitin. nakakairita. kung pwede lang, pasakan mo na ng twalya ang bunganga matahimik lang. pati mood mo nasisira sa kaka-ngyaw-ngyaw.
(2) isa pang nakakairita ang mga taong cutesy-patutesy. isang clue lang ang kailangan mo para mahuli ang mga taong ito. basahin mo ang mga text message nila sa ibang tao at hanapin ang salitang ME, as in AKO. Binggo. Ayan na sa harap mo ang cutesy-patutesy people. ang hindi ko maintindihan sa mga taong ito ay kung bakit kailangan pa nila gumamit ng ME, kung pwede namang KO. PAREHONG 2 LETTERS YUN!!! okay lang sana kung nag-eenglish pagtetext e. tipong, give ME this, lend ME that. wag naman bigyan mo ME o pahiram ME. lintek talaga. nakakainis. kung pwede lang, kung mageenglish ka lang din naman, e ituloy mo na. wag kang magtipid at gagamitin lang ang ME. kung tagalog naman, please lang, diretsong tagalog na. kung iniisip mong cute ka pakinggan, leche, hinde! nagmumukha kang jologs, kung hindi ka pa kabilang nila.
anong pakelam ko? onga naman, di naman ako ang nagmumukhang tanga sa kakaME niyo.
(3) panghuli. mashadong malalim ang buhay para paikutan ng mga chismis. napaka-fucking-raming pwedeng pag usapan na di hamak na mas matino kesa sa mga chismis na napupulot mo sa tabi tabi. halimbawa, si ganito ganyan nabuntis ng shota. e 21 palang siya. kung alam ko lang, kung sang kanto lang napulot ni babae si lalaki. o nagkapulutan lang sila sa isang madilim na kanto. nalibugan at iyon, nagdalihan. pathetic. mga walang magawa sa buhay. buti kamo kung kaya bigyan ng magandang buhay ang anak. at buti kamo kung kaya na sustentuhan. mahiya naman kayo sa mga magulang niyo. o kaya naman, si ganito ganyan, bumagsak sa school o tumigil. walang kaso kung tumigil dahil mahirap o kapos sa pera. pero yun tumigil dahil ayaw na nila mag-aral? langya. good luck nalang sa mga buhay niyo. marami kayong mahahanap na trabaho. madali ang pera niyan. magpakaputa lang kayo, tapos na! kung hindi naman mga personal na buhay ang pinagchichismisan, mga buhay ng walang kakwenta kwentang mga artista. unang una, mga artista lang yan. karamihan pa sa kanila, mga walang pinag aralan. mga aaanga-anga. well, kung sabagay nga naman, kung ganon, e di madali rin gumawa ng adventure para sa kanila. mga sikat pa naman sila. madaling pag usapan. ang mga taong ito naman, nahuhumaling. natutuwa sa walang katapusang kwento ng pagsasamahan, paghihiwalayan, pag-aanakan, pagdedemandahan, paglolokohan at kung ano ano pang kalokohan. susko, maawa naman kayo at mahiya sa mga sarili niyo.
Wednesday, October 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment